PAANO BUMUO NG UNYON
4 Hakbang sa Pagbuo ng Unyon
Kapag nagkaisa kayo ng iyong mga kasamahan sa trabaho upang bumuo ng unyon, nagkakaroon kayo ng karapatan na makipag-ayos sa inyong employer tungkol sa sahod, mga benepisyo, at mga kondisyon sa trabaho.
Kapag opisyal na naitatag ang inyong unyon, pipili kayo ng mga lider at magtatasa (negotiate) ng kontrata. Demokratiko ang proseso, at kung mas inklusibo ito, mas lalong lalakas ang inyong unyon.
- Anuman ang industriyang kinabibilangan ninyo, o anuman ang labor law na sumasakop dito, halos pareho ang proseso ng pagbuo ng unyon.
- Pagsamahin ang mga katrabaho na may parehong interes sa pag-oorganisa ng unyon.
- Kausapin ang isang union organizer upang makapagplano at malaman ang mga susunod na hakbang.
- Makipag-ugnayan sa mga katrabaho upang makabuo ng suporta para sa unyon.
- Ipakita ang suporta sa pamamagitan ng eleksiyon o card-check kapag mayroon nang matibay na majority.
Kapag opisyal na naitatag ang inyong unyon, pipili kayo ng mga lider at magtatasa (negotiate) ng kontrata. Demokratiko ang proseso, at kung mas inklusibo ito, mas lalong lalakas ang inyong unyon.